Hamon ni Mar kay Digong na suntukan, idaan na raw sa barilan
- Dec 15, 2015
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Dahil kinukuwestyon ni Mayor Rody Duterte kung totoo bang graduate si Mar Roxas sa Wharton School of Business sa Pennsylvania, USA, nauwi sa pikunan ito.
Sinabi ni Digong na masasampal niya si Mar kapag nasalubong nya. Ang ganti ni Mar ay magsuntukan na lang sila ni Digong. Ang huling hirit ng alkalde, magbarilan na lang sila ni Mar.
“Barilan na lang. Takot mamatay ang mga mayayaman. Ano’ng kinatatakutan ko?” Sabi ni Duterte.

Comments