COMELEC, mas pabor kay Lucifer kaysa kay Grace - Sen. Chiz
- Dec 26, 2015
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Tinawag na ni Sen. Grace Poe na harassment ang ginagawa raw ng COMELEC sa kandidatura niya. Una siyang hinatulan ng COMELEC 2nd Division na hindi dapat payagang tumakbo bilang pangulo. Sa apela nila sa 1st division ay kinatigan ang pasya at sa En Banc ay tuluyan siyang pinasyahang hindi kuwalipikado.
Binigyan daw sila ng gipit na panahon para umapela sa Supreme Court dahil ang desisyon ay sa panahon ng holidays.
Hirit pa ni Sen. Chiz Escudero, mas inuna pang ipasibak si Sen. Grace kaysa sa isang tumatakbong kandidato na si “Lucifer’.

Comments