UNA, ginigipit talaga ng LP - Mon Ilagan
- Dec 26, 2015
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Muling iginiit ni UNA spokesperson Mon Ilagan na hindi parehas ang trato ng Malakanyang, na pinangungunahan ng Liberal Party, kung mga kaso ng akusadong opisyal ng gobyerno ang pag-uusapan.
Samantalang bigla na lang daw ginipit ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang Makati mayor na si Junjun Binay at ang miyembro ng UNA na si Cebu mayor Mike Rama, iniligtas naman ni Morales ang taga-LP na si Gov. Victor Tanco Sr. ng Capiz. Naunang pinasisibak ni Morales sa posisyon si Tanco pero hindi kumilos ang DILG para ito hainan ng order. Kalaunan ay binago ng Ombudsman ang pasya at pinawalang-sala ang gobernador.

Comments