Digong, wagi sa round 1 sa COMELEC
- Jan 11, 2016
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Ibinasura ng COMELEC ang unang petisyon laban kay Davao Mayor Rodrigo Duterte na humihirit na ‘wag payagang tumakbo si Digong.
Ayon sa petitioner, palpak ang papeles ni Martin Diño na pinalitan ni Duterte bilang subsitute candidate kaya in effect, walang bisa ang kandidatura. Pero sinoplak ng COMELEC ang petitioner.
May dalawa pang petition laban sa Alkalde na tinambalan ni Sen. Alan Peter Cayetano sa 2016 presidential elections. Pagpapasyahan din ito ng Comelec ngayong linggo.

Comments