Drug lords, buburahin ni Digong sa anim na buwan
- Jan 15, 2016
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Muling ipinangako ni Mayor Rody Duterte na ang lahat ng drug lords sa mga probinsya ay ililigpit niya sa loob ng anim na buwan kung siya ang papalaring maging pangulo ng bansa.
Itinulad niya ang mga tulak ng droga sa pinakanuno ng mga tulak na mayhawak ng sindikato sa Mexico na si Joaquin “El Chapo” Guzman.
Si El Chapo ang leader ng Sinaloa Drug Cartel at dalawang uit na nakatakas sa Maximum Security Prisons dahil sa pera at impluwensya. Nadakip siya nitong nakaraang linggo matapos ang kalahating taong pagtatago.

Comments