Titulong ‘Datu’ ni Mar, pambabastos daw sa Islam
- Jan 15, 2016
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Nabuwisit ang isang leader ng Maranaw na si Norodin Alonto Lucman. Kinokondena niya ang pagbibigay kay LP bet Mar Roxas ng titulong ‘honorary datu’ na hindi man lang daw kinunsulta silang mga may karapatang magpasya.
Nananawagan siya sa members ng Mindanao royal houses para kondenahin ang ginawa ng Sultanate of Lanao na nagkaloob kay Roxas ng titulong datu kahit daw si Roxas ay isang “Islamaphobe.” Wala raw galang ang Sultan ng Lanao sa mga Sultan ng Sulu at Maguindanao para basta na lang mamigay ng noble title.
Nilinaw niya na noong pangulo pa si Cory Aquino ay may bumulong sa kanya na bigyan si Tita Cory ng Bai a Labi (principal princess) title habang may speech ang pangulo para sa Mindanao Peace Process.
“I said no. We don’t give away noble titles without the concurrence of the Sultanates of Mindanao and Sulu,” sabi ni Lucman na napanganga raw si Sen. Franklin Drilon sa kanyang paninindigan.

Comments