Mamasapano reopening, resbak ni Poe kay PNoy
- Jan 16, 2016
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Mali raw na pagbintangan ng mga galamay ni Pangulong Noynoy Aquino na namba-blackmail si Sen. Juan Ponce Enrile kaya nito pinabuksan ang “Mamasapano Massacre” case sa senado.
Hindi rin daw makakapag-bargain si Enrile para sa plunder case niya dahil papa-lais na rin si Pangulong Noynoy Aquino sa pwesto.
Mas kapaki-pakinabang daw ito kay Sen. Grace Poe na matagal na naghintay ng ayuda kay PNoy pero tila nagtataguan sila ng mga alas.
Ngayon lang tuwirang kumasa si Sen. Grace sa administrasyon dahil nalagay na siya sa alanganin sa mga disqualification cases na ang bintang ay gawa rin ng Liberel Partymates ni Mar Roxas.

Comments