Binay, sinisi si PNoy sa SSS scandal
- Jan 17, 2016
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Kung si VP Jojo Binay ang magiging pangulo ay maiiwasan daw ang mga kapalpakan gaya ng pagharang ni Pangulong Noynoy Aquino sa increase ng SSS pensioners.
Kakausapin daw kasi niya ang mga miyembro ng senado at kongreso kung may mahahalagang bill na pagdedebatihan pa lang.
Alam na raw pala ni PNoy na ayaw niya ang proposed bill, bakit pa ito hinayaang pagdebatihan ng matagal at pinabayaan ding makapasa tapos ay haharangin lang sa huli ng pangulo?
“What I don’t understand is why it was allowed to undergo the normal process for a proposed measure, debated for such a long time only to be vetoed in the end,” sabi pa ni Binay.

Comments