VP Binay, hindi totoong na-boo sa Cebu
- Jan 17, 2016
- 2 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Nitong nakaraang September 15, 2015 ay may isyu ng diumano’y pag-boo kay VP Binay sa UP Los Baños nang siya ay dumalo para sa isang pagtitipon. Isinulat ito sa digital media ng ABS-CBN News. Pero nang mapatunayang mismo ng Lopez company na mali ang report, nangako sila na kakastiguhin daw ang reporter na nagsulat.
Ngayon, may bago na namang isyu ng pag-boo kay VP Binay na katulad din ng naunang isyu. Maling balita.
Sa katatapos na Sinulog festival sa Cebu nitong January 17 ay naisulat ng Philippine Daily Inquirer na 10,000 katao ang nag-boo sa ikalawang pangulo sa kanyang speech sa Cebu City Sports Center. May mga maka-Binay na nagmemensahe at sinasabing mali ang ulat na ito dahil una, hindi naman 10,000 ang tao sa nabanggit na sports complex. Ikalawa, wala namang speech si VP Binay kundi ipinakilala lamang siya ni Mayor Mike Rama sa mga Cebuano na naroon.
Sabi ni vice presidential spokesperson Joey Salgado, galing sa LP supporters sa labas ng complex ang pag-boo ng isang maliit na grupo. Pero hindi rin nakapagtataka dahil sa huling survey, kahit si Sen. Grace Poe na dating nangunguna ay nilampasan na ng malayong agwat ni Binay. Sabi ng isang netizen, “nagpapa-obvious ang Inquirer. Sila ang nagsulat na hindi pinapayagan ang campaigning sa Sinulog. Ngayon ay bigla nilang pinalilitaw na may speech si Binay. Eh kung sila maka-Mar, ibig sabihin hindi sila matinong magbalita.”
Ang sagot ng kampo ni VP Binay ay simple lamang. Ang Regional Trial Court ng Makati ay nagpasya na balido ang kaso ni Binay laban sa kanyang itinuturing na detractors. Sa kasamaang-palad, kasama ang Inquirer sa binabanggit na ito sa kaso.

Comments