Miriam, nanawagan na suwagin na ng senado si PNoy dahil sa EDCA
- Jan 18, 2016
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Kunsumido si Sen. Miriam Santiago kay Pres. Noynoy Aquino dahil sa tigas daw ng ulo ng pangulo. Nananawagan ang senadora na tumatakbong presidente na magkaisa muna ang mga senador para harangin ang sinasabi niyang pagbalewala ni PNoy sa kapangyarihan ng senado.
Ang inaprubahan ng pangulo ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ay labag daw sa saligang-batas dahil hindi ito dumaan sa senate treaty.
Mali rin daw ang korte sa pagsabing “implementing agreement” lang ang EDCA na sakop ng Visiting Forces Agreement (VFA).
Ang pagpayag ni PNoy sa EDCA ay nangangahulugan na maglalagay ng military bases ang Amerika sa atin at puntirya tayo ngayon ng China kapag naggiyera ang dalawang bansa.

Comments