Nakaw raw na yaman ng mga Marcos, ibinebenta
- Jan 18, 2016
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Nagbebenta ang Presidential Commission on Good Government ng sinasabing nakaw na ari-arian ng pamilya Marcos at ito ay aprubado na ng Department of Finance (DOF).
Ang mga ari-ariang ito ay nakumpiska sa dating NBI director ni pangulong Ferdinand Marcos na si Jolly Bugarin.
Ito ay mahigit 2,000 sq. meters na lupa sa Tagaytay City, lupain sa Puerto Galera at Calapan, Oriental Mindoro.
Wala pang reaksyon si Sen. Bongbong Marcos na tumatakbong vice president sa isyung ito.

Comments