Mar, sangkot sa paghugas-kamay ni PNoy sa ‘Mamasapano Massacre’
- Jan 25, 2016
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Pinaboran daw talaga ang isinusulong na BBL law kaya sinadya ni Pangulong Noynoy Aquino na ‘wag rumesbak sa MILF habang minamasaker ang SAF44 sa Mamasapano noong Jan. 25, 2015.
Pero kahit na ito ang lumitaw sa imbestigasyon ng Board of Inquiry, hindi na ito pinayagang ilabas sa media o sa senado. Ayon sa isang heneral na nakakabatid sa report ng BOI, sina PNoy at dating DILG Sec. Mar Roxas talaga ang humarang para tumikom na ang bibig ng BOI chief na si Police Director Benjamin Magalong.
Naputukan pa raw si Magalong dahil pinapapalitan sa kanya ang report para bumango sina PNoy at Mar pero ang ginawa lang ni Magalong ay i-toned down ang report kaysa palitan ang resulta.

Comments