Mar, dapat ding managot sa ‘Mamasapano Massacre’ - Rep. Lito Atienza
- Jan 28, 2016
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Dahil muling bubuksan ang imbestigasyon sa ‘Mamasapano Massacre’ ay tahasang sinabi ni Buhay Partyist representative Lito Atienza na hindi lamang si Pangulong Noynoy Aquino ang dapat managot.
May pananagutan din daw si LP bet Mar Roxas bilang dating DILG secretary dahil hawak niya ang lahat ng kilos ng mga pulis noong maganap ang insidente.
Hinding-hindi naniniwala si Atienza na walang kaalam-alam si Mar sa buong pangyayari kaya isa rin daw ito sa dapat panagutin.

Comments