COMELEC kay Sen. Poe: Hindi kami abusado
- Jan 7, 2016
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Tinawag ng COMELEC na groundless ang akusasyon ng kampo ni Sen. Grace Poe na nagkaroon ng grave abuse of discretion ang poll body sa naging disqualification nito sa 2016 presidential elections.
Ayon kay COMELEC spokesman James Jimenez, unfair ang paratang ng kampo ni Poe, lalo’t dumaan sa masusing diskusyon ang naturang kaso.
Humihingi ngayon ang komisyon sa Korte Suprema na sa Jan. 12, 2016 na sila sasagot sa petisyon ni Sen. Grace Poe kaugnay sa kinakaharap nitong disqualification case dahil sa isyu ng citizenship at residency.

Comments