‘Duterte may katok’ - Rep. Erice
- Feb 3, 2016
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Tinawag ng tagapagsalita ng LP at Caloocan City Rep. na si Edgar Erice si Mayor Rody Duterte bilang ‘taong may katok’ dahil sa kung anu-ano raw ang pinagsasasabi.
Sinabi pa ni Erice na masamang ehemplo sa kabataan si Digong dahil sa pagmumura at paghahayag na may mga girlfriend siya.
“Kung pagkukumparahin ninyo iyong istilo ni Secretary Mar at ni Mayor Duterte, s’ya ‘yung kakaiba. S’ya ‘yung parang may katok,” ayon pa kay Erice.

Comments