Pagkontra ng COMELEC kay Poe, binanatan ni Chief Justice Sereno
- Feb 3, 2016
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Huwag daw tanggalan ng karapatan ang mga batang napupulot ayon ay Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.
Ito ang kanyang pananaw sa kasalukuyang dinidinig na kaso ni Sen. Grace Poe hinggil sa citizenship ng senadora kung papayagan ba o hindi na tumakbo bilang pangulo ng bansa.
Nag-aalala si Sereno sa kalalagyan ng mga nasa gobyerno at iba pang scholars na napulot din sa kanilang pagkasanggol kung pagpapasyahang hindi natural-born citizen si Sen. Poe.
Binatikos din ni Sereno ang Commission on Elections (Comelec) sa pasya laban kay Poe na desisyong discriminatory at ang foundlings daw ay naging second-class citizens.
Si Sen. Poe ay hinihinalang lihim na kandidato ni PNoy at si Sereno ay appointed ni Pnoy.

Comments