Señeres, umatras na rin sa presidential race
- Feb 5, 2016
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Umatras na rin si Rep. Roy Señeres sa pagtakbo bilang pangulo ng bansa sa May 9, 2016 polls. May sakit ito at hindi na sumipot sa Comelec para sa kanyang “statement of withdrawal”. Pero hindi pumayag ang commission na wala ang presensya ni Señeres kaya kukuha ng medical certificate ang abogado niya para dalhin sa Martes sa Comelec.
Sa pag-urong ng OFW Family Club party-list na si Rep. Señeres, lima na lang ang naiiwang maglalaban-laban.
Sina Vice President Jejomar Binay, Sen. Grace Poe, Sen. Miriam Defensor-Santiago, Rodrigo Duterte at Manuel Roxas II.

Comments