Ballot printing, baka raw malutong-Makaw ng LP
- Feb 6, 2016
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Wala raw balak ang PNoy administration na lutuin ng Makaw na Makaw ang 2016 elections. Lumitaw ang ganitong hinala dahil pinasisibak na ang ilang opisyal ng National Printing Office pero walang kumikilos para sila paalisin kundi hinayaan lang na manatili sa puwesto.
Baka raw ang mga ito ang ‘bata’ ng Palasyo para makontrol ang ballot printing pabor kay Mar Roxas na manok ng LP.
Nitong nakaraang taon pa ipinag-utos ng Ombudsman ang dismissal nina NPO Director Emmanuel Andaya, Bids and Awards Committee (BAC) Chairman Sylvia Banda at ilang miyembro nila na sina Josefina Samson, Antonio Sillona, Bernadette Lagumen at Ma. Gracia Enriquez pero kapit-tuko rin sila sa pwesto.

Comments