Nilulutong ‘Binay-Chiz,' isang tsismis - Escudero
- Feb 6, 2016
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Tinawag ni Sen. Chiz Escudero na tsismis lang ang isyung ilalaglag niya si Sen. Grace Poe at matutuloy ang matagal na inasahang tambalan nila ni VP Jojo Binay.
May mga lumabas kasing sticker na ‘Binay-Chiz’ kaya ang hinuha ng marami, nanunumbaik ang ipinakitang suporta ni Chiz kay Binay noong maglabas ito ng TV Ad na ‘Noy-Bi’ sa 2010 elections.
Pero sabi ni Chiz, sa tagal ng pinagsamahan nila ni Sen. Poe, wala siyang balak talikuran ito kahit na nanganganib na ma-disqualify sa pagtakbo bilang pangulo.

Comments