Trabaho, pangako ni Miriam sa opening salvo
- Feb 9, 2016
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Pinakaseryoso ang mapagpatawang si Sen. Miriam Santiago sa opening salvo ng kanyang kandidatura na ginanap sa Ilocos.
“I if i die before my 6th year term, Sen. Bongbong Marcos is here to continue my term. We need a government with conscience. Above all, we must persevere. The presidency is not a TV show called ‘That's Entertainment.’ It's very easy to say, "Change that!" But always, exercise is more difficult than analysis,” ayon sa senadora.
Binatikos din niya ang mga hindi pinangalang katunggali. Gaya ng isang may isyu raw ng corruption, “Ang sabi niya, hindi kailangan magpaliwanag. Ang kailangan magpaliwanag, yung bumoto sa kanya.”
Ang citizenship issue, “Merong isa hindi siya sigurado kung saan siya pinanganak.”
May pinatamaan pang barako, “Makikita niyo sa eleksyon natin na kahit sinong gago pwede tumakbo.”
Paglikha ng trabaho at pagbawas ng kahirapan ang pangako niyang gagawin.

Comments