Mar, pinapanagot sa maanomalyang deal sa MRT3
- Feb 18, 2016
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Tuluyang umamin si dating Metro Rail Transit (MRT) 3 General Manager Al Vitangcol III
na sinadya ring pabayaan lang ni dating DOTC Sec. Mar Roxas ang maanomalyang deal sa maintenance contract na pinag-uugatan ng kapalpakan ngayon sa train na ito.
Kaya sa kanyang affidavit ay kinukuwestyon ni Vitangcol kung bakit hindi rin kinasuhan ang LP bet na si Roxas sa lahat ng kapabayaan at anomalya sa MRT3's procurement requests..
Nauna nang isinabit ni Vitangcol si Sec. Jun Abaya na pumalit kay Mar sa posisyon bilang Transport Secretary.

Comments