‘Oplan Stop Nognog 2016,′ pananabotahe kay Binay ni Mar?
- Feb 25, 2016
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Unti-unting lumilitaw na totoong may sabwatan para harangin sa anumang paraan ang kandidatura ni VP Jojo Binay batay sa pahayag ng abogado ni Binay na si Atty. Claro Certeza.
Ibinulgar niya ang mga pangalan ng mga taong sangkot sa isang lihim na pulong noong 2014 para sama-samang ibagsak ang pamilya Binay.
Kampo ni PNoy ang nagpasimuno nito at tinawag na ‘Oplan Stop Nognog 2016′ para magkaroon ng tsansa sa panalo si Mar Roxas.
Ang mga pinangalanang kasabwat ni PNoy ay sina Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, Senator Antonio Trillanes IV, at Caloocan Rep. Edgar Erice.
Sangkot din daw sina Alaminos City mayor Hernani Braganza, Presidential Adviser on Political Affairs Ronald Llamas; tao ni Cayetano na sina Dexter Estacio, Mari Jogardi, Ariel Olivar at Erwin Antonio.

Comments