Mandaraya sa automated elections, pinahaharang ni Gordon
- Feb 25, 2016
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Sa pagnanais na mabawasan kundi man mawala ang lihim na pandaraya ng mga kakampi ng Malakanyang, sinabi ni Sen. Dick Gordon na dapat ipatupad ng Comelec ang Section 7 (e) of the Automated Elections System Law.
Ito ay nag-uutos na magbigay ng pinaka-resibo sa botante pagkatapos nitong bomoto. Meron naman daw Voter Verification Paper Audit Trail (VVPAT) ang machines ng Comelec.
Hiniling ni Gordon sa Supreme Court na ipatupad ng Comelec ang batas na ito para patas sa halalan ang lahat.

Comments