top of page

Bangayang Mar at Grace, nagbuko na pareho silang sabit sa jet planes

  • Feb 26, 2016
  • 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Matapos ibulgar sa media na gumagamit ng private jet planes si Mar Roxas at ang kapalit ng paghiram ng planes ay pabor daw sa tax ng may-ari nito, nagsimula namang mag-ingay ang kampo ni Sen. Grace Poe.

Pilit kinakalkal ang paghiram ni Mar ng airplane na may pabor na kapalit. Kaya ang resbak ng kampo ni Mar kay Grace, pinangalanan ang nagpapahiram din ay Grace ng aircraft sa pangangampanya.

Napilitang umamin si Poe na San Miguel Corporation ang nagbibigay sa kanila ni Sen. Chiz ng choppers and private jet services sa campaign sorties.

Parehong nabuko ang dalawa na may tinatanggap na pabor sa kanilang candidacy at ang usual na kapalit nito ay sisingilin din sila ng mga pabor ng kumpanya kapag sinuman ang manalo sa kanila.

 
 
 

Comments


Who's Behind The Blog
Recommanded Links
Search By Tags
Follow "Presidentiables.Ph"
  • Facebook Basic Black
  • Twitter Basic Black
  • Google+ Basic Black

Copyright 2015 Presidentiables.Ph

    Like what you read? Let us know what you think.   

Copyright 2015 "Presidentiable.Ph". 

bottom of page