Ateneo faculty, kinokondena pa rin ang Martial Law years
- Mar 5, 2016
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Mahigit sa 400 faculty members ng Ateneo de Manila University ang lumagda sa panawagan na kondenahin si Sen. Bongbong Marcos dahil sa sinasabi nilang “ongoing willful distortion of history.”
May kaugnayan ito sa ayaw pagtanggap ni Bongbong sa mga karahasang naganap sa Martial Law sa pamumuno ng ama nitong si dating pangulong Ferdinand Marcos.
“We reject the revision of history, disturbing vision of the future and shallow call for unity being presented by Marcos Jr. and like-minded candidates in the 2016 elections,” sabi sa statement ng mga lumagda.
Hiling din ng Ateneo community na kasuhan pa rin ang mga maysala at bawiin talaga ang tagong yaman ng mga Marcos.

Comments