top of page

Dating kaalyadong sumisira kay VP Binay, nahuli ng asawa ni Nancy sa casino

  • Mar 7, 2016
  • 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Nahuli mismo ng asawa ni Sen. Nancy Binay si dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado na nagsusugal sa Royce Hotel and Casino sa Clark, Pampanga. May kasama itong mga security aide mula sa Witness Protection Program ng DOJ at ayon sa pahayagang Inquirer, natalo si Mercado ng P300,000 sa isang casino pa lang na tinungo nito.

Ayon naman sa dating Candaba mayor na si Jerry Pelayo, nakita niya rin na nagsusugal si Mercado sa Widus Hotel and Casino matapos itong matalo sa Royce Hotel and Casino.

Kaya ang tanong ni Sen. Nancy, saan kinukuha ni Mercado ang ipinatatalong pera?

“You remember ‘Oplan Nognog,’ ang aim nila is to discredit the VP, so hindi malayo kasi saan naman kukuha ng pangsugal si Mercado? We’ve been getting reports na lagi siyang nagsusugal pero yung nangyari nung Sabado is a clear evidence na parati pa rin syang nagka-casino,” sabi pa ni Binay.

 
 
 

Comments


Who's Behind The Blog
Recommanded Links
Search By Tags
Follow "Presidentiables.Ph"
  • Facebook Basic Black
  • Twitter Basic Black
  • Google+ Basic Black

Copyright 2015 Presidentiables.Ph

    Like what you read? Let us know what you think.   

Copyright 2015 "Presidentiable.Ph". 

bottom of page