Pekeng organisasyon, itinatag laban kay Poe - Gatchalian
- Mar 7, 2016
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Ikinabibigla pa rin daw ng spokesperson ni Sen. Grace Poe na si Mayor Rex Gatchalian ang mga lumalabas na isyu na mapanira laban sa katambal ni Sen. Chiz Escudeo.
Lalo na ngayon na may tinatawag si Gatchalian na pekeng group na kumalampag sa headquarters ng senadora para manawagan na umatras na si Poe sa pagtakbo sa rami ng kaso nito.
“They have also resorted to creating fictitious organizations to serve as venom bearers,” pagdidiin pa ni Gatchalian.
Ang tinutukoy niya ay ang itinatag na Kapatiran ng Makabayang Kababaihan (KMK) na nagsasabing lumilikha pa ng tension sa government institutions ang pagtakbo ni Poe.

Comments