Poe, Duterte, Binay, baka mag-photo finish sa presidential race
- Mar 7, 2016
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Sa huling survey ng kinikilalang survey conductor na si Jun Laylo na commissioned ng Manila Standard mula Feb. 24 hanggang March 1, malaki ang ini-angat ni Mayor Rody Duterte.
Si Sen. Grace Poe ang una sa 27 percent, ikalawa na si Duterte na may 25 percent at si VP Jojo Binay na may 23 percent. Kaya sabi ni Laylo, statistically ay tabla sa number one spot ang tatlong presidentiables na ito dahil sa national margin of error.
Kung hindi magbabago ang trend na ito, babanderang photo finish ang sinuman sa tatlo.

Comments