Pasyang makatakbo si Poe, wa epek sa kampo ni Binay
- Mar 8, 2016
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Hindi raw maaapektuhan ang kampo ni VP Jojo Binay kung pinayagan man ng Supreme Court na tumakbo rin si Sen. Grace Poe sa pampanguluhang halalan sa 2016. Ayon sa tagapagsalita ni Binay na si Atty. Rico Quicho, ang eleksyong ito ay hindi nakasalalay sa kung sino ang kalaban nino.
“This election is not about who the opponents are but who is the most prepared to address the problem of poverty. Vice President Binay is that candidate,” sabi pa ni Quicho.

Comments