Duterte, aatras kung iligal ang pera sa kampanya
- Mar 11, 2016
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Dahil sa lumabas na mahigit 700 million pesos na ang ginagasta nina Mayor Rody Duterte at Sen. Alan Peter Cayetano sa kanilang kampanya, nagpaliwanag ang alkalde na may donors siya na kusang nagbibigay ng pondo para sa early political ad campaign.
Hindi niya raw alam kung sino ang direktang nagpapa-advertise nito noon at ayaw namang magpakilala.
Pero kung may makapagpapatunay naman daw na gumagasta nga siya at galing ang pera sa iligal, aatras siya sa pagtakbo.

Comments