Gordon, tagumpay sa petisyong ipatupad ang resibo sa boto
- Mar 11, 2016
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Kumampi si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno kay Sen. Dick Gordon sa petisyon ng senador na dapat ipatupad ang nasa batas ukol sa ‘resibo’ sa boto.
Ang tinutukoy na pinakaresibo ay ang printed copy na dapat ilabas ng electronic machine kapag nakaboto na ang isang tao. Patunay ito na mabibilang ang kanyang balota.
Sinisi ni CJ Sereno ang Comelec kung nagrereklamo ito dahil hindi raw pinaghandaan ang print vote receipts ng ahensya.
Ipinag-uutos kasi ng high court sa poll body na dapat iprograma ang voter verified paper audit trail (VVPAT) sa vote counting machines (VCM) ngayong May 9, 2016 elections.

Comments