PNoy, naisahan ni Sen. Grace Poe?
- Mar 11, 2016
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Nag-react si Sen. Grace Poe sa pahayag ni Pangulong Noynoy Aquino na bakit lumitaw sa Supreme Court na noong 2011 lang renounce ng American citizenship ang senadora samantalang itinalaga siya ni PNoy sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) noong 2010.
Ibig sabihin ba nito ay iligal ang panunungkulan ni Poe at may dapat panagutan si Pnoy dahil naisahan siya sa maling appointent?
“It was my first time to hear that she had to go to a consular official of America in 2011 to renounce the citizenship, when she was already MTRCB chair,” kamot-ulong tanong pa ni Pangulong Aquino.
Ihahanda raw naman ni Poe ang dokumento para maayos ito sa paningin ng Pangulo.

Comments