Sen. Bongbong, nainis sa Comelec Chairman
- Mar 12, 2016
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Pumalag si Sen. Bongbong Marcos sa pahayag ng Comelec na baka iurong na lang nila ang eleksyon na nakatakda sa Mayo 9, 2016.
Bunga ito ng reklamo ng Comelec na hindi sila handa sa utos ng Korte Suprema na mag-issue ng resibo ang counting machines na magiging batayan ng pagbilang ng boto ng botante.
Ang kautusan ay resulta ng petisyon ni Sen. Dick Gordon sa SC na ipag-utos sa Comelec na ipatupad ang sinasaad sa batas na paganahin sa machines ang voter verified paper audit trail (VVPAT).
“What’s the play of Chairman Andres Bautista? Instead of assuring the public that the May 9 elections will push through, he is sending signals that it may not happen at all,” galit na tanong ni Marcos.

Comments