BI-BONG (Binay-Bongbong) sa Ilocos, isinusulong
- Mar 14, 2016
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | May nagsusulong ng Bi-Bong (Binay-Bongbong) tandem sa Ilocos Sur kahit na ang ka-tandem ni Sen. Bongbong ay si Sen. Miriam Santiago.
Hati naman daw ang loob ni Gov. Chavit Singson kung tahasan siyang susuporta kay Binay dahil baka raw may sumama ang loob na ibang kalaban ng ikalawang pangulo.
Nagkita sina Chavit at Binay sa lamay ng asawa ng gobernador, ang namayapang si Mrs. Evelyn Singson sa Vigan City noong nakaraang linggo.

Comments