P150 M donation mula sa sugal, itinanggi ni Poe
- Mar 14, 2016
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Napikon si Sen. Grace Poe sa isyung tumanggap siya ng P150-million donation mula sa isang Macau-based junket operator. Peke raw ang mga dokumentong lumabas sa media, ayon pa sa senadora.
Itinanggi rin ng senadora na kanya ang pirma sa isang voucher mula sa Sun City Holiday Resort na pag-aari ng gambling mogul na si Alvin Chau. May halagang P50 M. ang voucher na pirmado raw ni Poe.

Comments