Sen. Grace, pumalag sa bansag na “PoeJuangco”
- Mar 14, 2016
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Dahil binabansagan na si Sen.Grace Poe na “Poejuangco” sa pag-aming todo-suporta sa kandidatura niya si Danding Cojuangco, nangako ang senadora na hindi niya papaboran ang mga kaso o negosyo ni Danding sakaling maging pangulo siya ng bansa.
“Unang-una, ‘yung Arroyo, alam ko kung sino ang kandidatong kadikit niya, pero huwag na nating sabihin at alam ko kilala niyo kung sino. Tingnan na lang niyo ‘yung mga manunulat na kampi sa kandidato na ito, malalaman ninyo.
“Yung Cojuangco, hindi ko naman tinatago na sila ay sumuporta sa akin. Remember, sumuporta rin sila sa maraming kandidato at kasama na rin ang ating pangulo na kamag-anak nila, ‘di ba?” paliwanag ni Poe.

Comments