Pagpabor ng Supreme Court kay Poe, delikado
- Mar 28, 2016
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Bakit nga ba pinayagan ng ilang Supreme Court justices na tumakbo bilang pangulo si Sen. Grace Poe na kuwestyunable ang citizenship at residency samantalang ang isang congressional candidate ay hindi nila pinayagan sa parehong kaso?
Ito ang tanong ni Regina Ongsiako-Reyes, na Marinduque representative na na-disqualify ng Supreme Court.
Si Poe na hindi alam kung sino ang mga magulang ay binigyan daw ng karapatan ng SC at itinuring na natural-born Filipino. Bakit daw siya na dalawang ulit pang nag-renounce ng American citizenship at buhay na buhay ang mga magulang na tunay na mga Filipino ay hindi pinaboran?
Kaya ang pahayag ni Associate Justice Mariano del Castillo delikado ang pabago-bagong desisyon ng SC lalo na kung binabaliktad na nila ang jurisprudence sa mga naunang kaso.

Comments