Kaso ni Poe, hindi pa tapos sa SC
- Mar 31, 2016
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Dahil hindi majority ng Supreme Court Justices ang bumoto pabor sa pagtakbo ni Sen. Grace Poe bilang pangulo sa isyu ng citizenship, naghain ng petition si dating University of the East College of Law dean na si Amado Valdez na manindigan ang tatlong justices na hindi pa naghahayag ng tunay nilang paniniwala.
Hinihiling ni Dean Valdez kina Associate Justices Diosdado Peralta, Mariano del Castillo at Benjamin Caguioa na sabihin na ang kanilang pananaw sa isyu ng natural-born citizenship ni Poe.

Comments