Military honors, hirit ni Binay sa libing ni Pres. Marcos
- Mar 31, 2016
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Ipinaliwanag ni Vice President Jojo Binay na kaya niya sinuportahan ang pagpapalibing kay dating pangulong Ferdinand Marcos na may military honors ay dahil sa hiling na rin ni Pangulong Noynoy Aquino.
Sinabihan daw siya ni PNoy na pag-aralan kung ano ang makabubuti sa isyu ng Marcos burial.
Nagkaroon naman ng pagkakataon si Binay na makausap si Ilocos Governor Imee Marcos at nagkasundo sila na sa Batac, Ilocos Norte na lang ilibing si Marcos pero bibigyan pa rin ng military honors.

Comments