Pamilya ni Poe, hadlang pa rin sa kanyang pagtakbo
- Apr 4, 2016
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Naghihintay ang lahat sa magiging pasya ng Supreme Court kung talaga bang majority sa mahistrado ay payag na maging Natural-Born Filipino citizen si Sen. Grace Poe. Ngunit wala pa mang pasya ang high court ay may bagong kumplikasyon na nasisilip ang isang abogado na nakabatay sa konstitusyon.
Sabi ng lawyer at academician na si Bruce Rivera, kahit gawing Filipino uli si Poe, delikado na ang kanyang pamilya ay mga Amerikano. Ang malakanyang ba ay papayagang madomina ng isang Filipino at mga Amerikano?
“There are people here who may have other interest who may necessarily not be Filipino in character or may not be in the best interest of Filipinos,” ayon pa kay Bruce.

Comments