Teri-teritoryo ng Presidentiables
- May 9, 2016
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Alas otso kuwarenta ay lumabas sa Rappler ang geographical result ng 2016 presidential elections.
Si Mayor Rody Duterte ay buong Ilocos Norte ang nakuha, Olongapo, Bataan, Pampanga, Bulacan, buong Metro Manila, buong Calabarzon. Sa Vizayas ay kuha niya ang Leyte, Bohol at Cebu. Kanya ang buong Mindanao. More than 38 percent ito sa buong bansa.
Si Sen. Grace Poe naman ay malakas sa Southern Luzon. Kanya ang Ilocos Sur, Benguet, Mt. Province, La Union, Pangasinan, Nueva Ecija, Zambales, at buong Quezon Province. Kalahati ng Mindoro kuha niya, kanya ang Catanduanes at Sorsogon. Mahigit 22 percent ito.
Si Mar Roxas, sa Mindanao ay Misamis at Agusan del Sur ang nakuha. Kanya rin ang malawak na bahagi ng Visayas, buong Samar at Buong Negros, buong Panay Islands.
Kanya rin ang kalahati ng Mindoro at buong Palawan, maliban sa Puerto Princesa. Ang Albay, Camarinus Sur at Masbate ay LP rin. Buong Tarlac ay kanya pero sa Norte ay Ifugao lang ang nakuha. Mahigit 21 percent ito.
Si VP Jojo Binay ay kuha ang Cagayan, Kalinga, Apayao, Isabela, Abra, Quirino, Nueva Viscaya sa Northern Luzon. Kanya rin ang Makati. Nasa 13 percent ito.

Comments